dzme1530.ph

SEN. BATO DELA ROSA, PATULOY NA LUMILIIT ANG MUNDO, AYON SA PALASYO

Loading

Patuloy na lumiliit ang mundo ni Senador Ronald Bato dela Rosa dahil sa kanyang pagtatago.
 
Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa gitna ng pagtatapos ng isang linggong palugit na ibinigay ng Philippine National Police kay dela Rosa para sumuko.
 
Sinabi ni Castro na sa mismong PNP nagmula ang pahayag dahil maaaring agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ng sinuman sa sandaling makita si Bato.
 
Maging si National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag ay may mga natatanggap na impormasyon sa kinaroroonan ni dela Rosa.
 
Tumanggi naman si Castro na idetalye ang ginagawang hakbang ngayon ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng senador.
 
Matatandaang idineklarang armed and dangerous si dela Rosa at may patong sa ulo na ₱50 million para sa pag-aresto sa kanya.

About The Author