![]()
Lumipad patungong London sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa international screening at meet-and-greet events ng kanilang latest film na “Always Yours, Never Mine.”
Magsisimula ang overseas leg sa pamamagitan ng screening event sa London sa Oct. 31, na susundan ng isa pang showcase sa Madrid sa Nov. 1.
Bukod sa kanilang official promotional duties, plano ng dalawa na mamasyal sa London, kung saan nag-alok si Julia na maging tour guide ni Joshua.
Bago sumakay sa eroplano, pinasalamatan ng “JoshLia” ang kanilang supporters sa Pilipinas at inimbitahan ang international fans na magkita-kita sila sa upcoming screenings.
