dzme1530.ph

CREAMLINE, NANANATILING MALINIS ANG RECORD SA PVL ALL-FILIPINO SIKLAB

Loading

Nananatiling perpekto ang Creamline sa 2026 PVL All-Filipino Conference Siklab Series matapos ilampaso ang Capital1 sa straight sets, 25-18, 31-29, 25-16, sa Santiago Sports Arena sa Isabela.
 
Hawak pa rin ng Cool Smashers ang top spot na may 4-0 record sa tournament.
 
Samantala, bumaba sa 2-3 ang Solar Spikers na pang-pito sa standings.
 
Naiuwi ni Jema Galanza ang Player of the Game matapos gumawa ng 16 points at nine excellent receptions.
 
Sunod na makakasagupa ng Creamline ang PLDT sa susunod na Huwebes sa PhilSports Arena, habang tatangkain ng Capital1 na bumalik sa win column laban sa Nxled sa susunod na Sabado, Nov. 7, sa kaparehong venue.

About The Author