dzme1530.ph

DAGDAG NA PONDO SA AFP, IGINIIT

Loading

ISINUSULONG ni Senate President Sherwin Gatchalian na madagdagan ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang patuloy na modernisasyon, kahandaan, at pagpapalakas ng kapasidad nito sa gitna ng pagbabago sa geopolitical situation.
 
Sinabi ni Gatchalian na mabilis na nagbabago ang geopolitical situation sa rehiyon at buong mundo kaya’t mahalagang laging handa at patuloy na mino-modernize at pinapalakas ang armed forces kasama ang kanilang kapasidad sa cyber warfare.
 
Isang bahagi aniya kung saan kailangan ng AFP ng financial support ay sa cyber warfare, na hindi na lamang theoretical threat kundi isa nang makabagong estratehiya ng depensa, kaya’t lubos na kinakailangang linangin ang kakayahan sa cyber defense.
 
Ayon sa Senate President, kailangan din ang suportang pampinansyal upang mapalakas ang kakayahan ng AFP sa search and rescue kapag may mga sakuna.
 
Hindi lamang aniya taga-defend ang ating armed forces kundi tumutugon din ito sa mga kalamidad na nangyayari sa bansa tulad ng mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad.

About The Author