dzme1530.ph

PISO, BAHAGYANG NAKABAWI LABAN SA DOLYAR

Loading

Bahagyang nakabawi ang piso, kahapon, subalit nananatili pa rin ito sa ₱64-to-one-dollar level.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱64.025 per dollar, mas malakas kumpara sa record low na ₱64.17 per dollar noong Martes.
 
Naitala sa historic low na ₱64.18 per dollar ang local currency sa intraday trading kahapon matapos magbukas sa ₱64.08 per dollar.
 
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort na ang paglakas ng local unit ay itinuturing na “healthy corrections” matapos tumaas ng limang sunod-sunod na araw.

About The Author