dzme1530.ph

PINAY TENNIS ACE ALEX EALA, UUSAD SA QUARTERFINALS NG PAN PACIFIC OPEN

Loading

Wagi si Filipina tennis sensation Alex Eala, 4-6, 6-2, 6-0, laban kay Talia Gibson ng Australia, sa Pan Pacific Open Round of 16, sa Tokyo, Japan, kagabi.
 
Hindi hinayaan ni Eala na maulit ang early exit sa mga sinalihang torneo kamakailan, kaya’t bumawi siya sa 2nd at 3rd sets para maseleyuhan ang kanyang first quarterfinal appearance sa Asian swing.
 
Dahil dito, nakapag-book ng rematch ang 21-year-old World No. 19 sa third seed na si Diana Shnaider ng Russia na tumalo sa kanya sa Round of 16 ng Ningbo Open sa China noong nakaraang Huwebes.

About The Author