![]()
Magkatuwang na nag-donate sina Sen. Bam Aquino at rapper Pio Balbuena ng 21 laptops sa mga estudyante ng P. Burgos Elementary School sa Maynila, gamit ang nalikom mula sa bidding ng 1-of-1 Tambay Cap.
Nanalo sa bidding si Miguel “Migs” Valerio ng MV Shoes and Apparel sa kanyang bid na ₱410,000 para sa natatanging Tambay Cap.
Pinasalamatan ni Aquino, chairperson ng Senate Committee on Basic Education, si Migs dahil maraming estudyante aniya ang matutulungan ng halagang ibinayad nito.
Agad namang bumili sina Pio at Migs ng laptops at mga pabaon packs para sa Grade 6 students ng P. Burgos Elementary School.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ang senador at ang rapper ng bidding upang makalikom ng pambili ng mga laptop para sa mga estudyante.