![]()
Opisyal nang inanunsyo ng organizers ng Super Bowl Halftime Show na ang rapper at producer na si Jay-Z ang headline performer sa 2027 edition.
Ang announcement ay ginawa ng audio streaming platform na Apple Music sa game sa pagitan ng Dallas Cowboys at Philadelphia Eagles.
Ibinahagi rin ng Apple Music ang Instagram video ni Jay-Z na nasa loob ng isang stadium na pinalilibutan ng mga kambing, na may caption na “GOAT’s out of the bag.”
Sa statement, sinabi ni Jay-Z na “Thirty years of music, work, and culture on the world’s biggest stage. This run continues to be a dream come true.”
Itinakda ang 2027 Super Bowl sa Feb. 14, Valentine’s Day, sa SoFi Stadium sa California.
Kabilang sa nangunguna sa listahan ng mga posibleng guest na magpe-perform sa halftime show ay ang misis ng rapper na si Beyoncé, na dating nag-headline sa Super Bowl noong 2013 at naging special guest sa Super Bowl 2016 kasama si Bruno Mars at headliner na Coldplay.
