![]()
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at maayos na paglalakbay ng milyun-milyong Pilipino na uuwi sa mga lalawigan ngayong Undas.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na pinatitiyak ng Pangulo na mas maraming pulis at K-9 units ang naka-deploy at matiyak na sapat ang mga sasakyan at agarang tulong sa mga maiistranded na pasahero.
Inatasan na rin ni Recto ang Department of Transportation, Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government at iba pang ahensya na tiyaking matutulungan ang mga pasaherong daragsa sa mga pantalan, paliparan at mga bus terminal.
Mahigpit din ang bilin ni Recto sa Philippine National Police na paigtingin ang mga patrol at security inspection, kasama na ang iba pang hakbang laban sa kriminalidad at anumang banta ng seguridad.
