dzme1530.ph

BAGONG DPWH SEC. GIOVANNI LOPEZ, TINIYAK NA WALANG PANGINGILAGAN SA PAGPAPATUPAD NG REPORMA SA AHENSYA

Loading

“Walang akong political capital.”
 
Ito ang iginiit ni bagong talagang Department of Public Works and Highways Secretary Giovanni Banoy Lopez sa formal turnover ceremony sa ahensya.
 
Sinabi ni Lopez na itutuloy niya ang mga nasimulang reporma ni Secretary Vince Dizon at tiniyak na mabilis niyang made-desisyunan ang mga makikitang iregularidad sa ahensya.
 
Binigyang-diin ni Lopez na wala siyang utang na loob kaninuman kaya’t wala siyang pangingilagan sa kanyang mga desisyon.
 
Sa panig ni Dizon, sinabi niyang masosorpresa ang sinumang mag-aakala na mas maluwag ang magiging palakad ni Lopez sa DPWH.
 
Tiwala si Dizon na pananatilihin at paiigtingin pa ni Lopez ang kanilang nasimulang accountability efforts sa DPWH bilang isang abogado at certified public accountant.

About The Author