dzme1530.ph

PNP, WALA PANG NATATANGGAP NA SURRENDER FEELERS MULA KAY SENADOR RONALD BATO DELA ROSA

Loading

Walang natatanggap na surrender feelers ang Philippine National Police mula sa kampo ni Senador Ronald Bato dela Rosa.

Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, ilang araw bago matapos ang isang linggong palugit na ibinigay kay dela Rosa para sumuko.

Sinabi ni Co na ang one-week ultimatum ay sign of goodwill upang sumuko nang may dignidad.

Samantala, nagdagdag na rin ng tracker teams ang PNP sa pagtugis kay dela Rosa, bagama’t mas nais ng pulisya na sumuko ang senador upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari.

Si dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court kaugnay sa kasong crimes against humanity bunsod ng inilunsad na war on drugs noong Duterte administration.

About The Author