![]()
Kapwa naiuwi nina Diamond Star Maricel Soriano at Maris Racal ang Best Actress awards matapos mag-tie sa 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.
Tinanggap ng dalawa ang kani-kanilang award sa PMPC Gabi ng Parangal, kagabi, sa Winford Hotel sa Maynila.
Nasungkit nina Maricel at Maris ang Best Actress awards para sa kani-kanilang pelikula na “Meet, Greet and Bye” at “Sunshine.”
Napanalunan naman ni Jericho Rosales ang Best Actor para sa kanyang title role sa biopic na “Quezon,” subalit hindi ito nakadalo, kaya si Direk Jerrold Tarog ang tumanggap ng kanyang award.
Samantala, iniluklok si Vilma Santos sa Hall of Fame bilang Movie Actress, kasama ang National Artist na si Ricky Lee bilang Movie Screenwriter.
