dzme1530.ph

‘LOONEY TUNES’ VOICE ACTOR ERIC BAUZA, PUMANAW NA SA EDAD NA 46

Loading

Pumanaw na ang Emmy Award-winning voice actor na si Eric Bauza na nakilala sa iconic “Looney Tunes” characters na sina Bugs Bunny at Daffy Duck sa edad na 46.
 
Inanunsyo ng pamilya ang pagpanaw ng voice actor sa pamamagitan ng statement na ibinahagi sa official Instagram account nito, kahapon.
 
Hindi pa isinasapubliko ng pamilya ang cause of death ni Eric, bagaman sinabi nila na maglalabas pa sila ng karagdagang detalye.
 
Ang Canadian-born voice actor na lumaki sa Scarborough, Toronto, ay nagtrabaho bilang character designer bago na-establish ang sarili bilang voice performer.
 
Noong 2022 ay tinanggap ni Eric ang Children’s and Family Emmy Award for Outstanding Voice Performance in an Animated Program.

About The Author