dzme1530.ph

PAGBALANGKAS NG PANUKALANG 2027 BUDGET, DI MAAPEKTUHAN SA PALITAN NG KALIHIM SA DPWH AT DOTr

Loading

TIWALA sina Senators Panfilo Lacson at JV Ejercito na hindi makakaapekto sa budget deliberations ng 2027 national budget ang pinakabagong palitan ng gabinete.
 
Ito’y matapos na ibalik sa Department of Transportation si Sec. Vince Dizon habang itinalagang Kalihim ng Department of Public Works and Highways si Sec. Giovanni “Banoy” Lopez.
 
Sinabi niya na kilala niya at nakatrabaho na niya ang dalawang kalihim kaya’t kampante siyang mabilis na makaka-adapt ang dalawang kalihim sa kanilang mga bagong ahensya.
 
Binigyang-diin naman ni Lacson na prerogative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatalaga ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
 
Kapwa naman anya kwalipikado ang dalawang kalihim kaya’t tiyak siyang wala itong epekto sa pagtalakay sa budget.
 
Narito ang magkasunod na pahayag nina Senators JV Ejercito at Panfilo Ping Lacson:

About The Author