dzme1530.ph

PANAWAGAN NI SEN. ALAN CAYETANO SA MGA SENATOR JUDGES NA HUWAG TANGGAPIN ANG VP POST, SINOPLA NI SEN. LACSON

Loading

NAGTATAKA si Senador Panfilo “Ping” Lacson kung bakit kailangang pangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang magiging desisyon ng Pangulo sa pagpili ng ipapalit kay Vice President Sara Duterte sakaling tuluyang mapaalis na ito sa puwesto.
 
Ito ay makaraang hikayatin ni Cayetano ang mga senator-judges na gayahin si Presiding Officer Chiz Escudero at ideklara na rin na hindi nila tatanggapin ang Vice President post sakaling ma-convict si VP Sara.
 
Ayon kay Lacson, wala sa lugar si Cayetano para pangunahan ang magiging desisyon ng Pangulo sa pagpili ng susunod na Vice President, subalit iginiit na hindi siya interesado sa puwesto.
 
Samantala, iginiit ni Senate Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito na premature pang pag-usapan kung sino ang ipapalit kay VP Sara dahil ongoing pa ang impeachment trial.
 
Subalit sa tingin ni Ejercito ay maganda ang panawagan ni Cayetano upang mawala rin ang duda sa mga senador.

About The Author