dzme1530.ph

MALAKANYANG, HINDI MAGPAPAAPEKTO SA MGA BASHER AT KRITIKO

Loading

Tiniyak ni Presidential Communications Office Acting Secretary Lino Cayetano na hindi sila magpapaapekto sa mga basher o mga kritiko ng gobyerno.
 
Sinabi ni Cayetano na normal lamang sa gobyerno ang nababatikos dahil mayroong demokrasya.
 
Nakatutulong aniya sa demokrasya at polisiya ang malusog na debate o diskusyon dahil gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinatanong siya kung ang isang programa ay nakakatulong sa publiko.
 
Nakatutok aniya ang pangulo sa pangmatagalang pagbabago sa mga programa ng gobyerno para mas mabilis na makarating sa mamamayan ang mga benepisyong dapat nilang makamit.
 
Kasabay nito, nanawagan si Cayetano sa mga mamamahayag na i-report kung ano ang mga ginagawa ng gobyerno para sa mga Pilipino.

About The Author