dzme1530.ph

MGA SENADOR, HINIMOK NA GAYAHIN SI SENATOR CHIZ ESCUDERO NA TANGGIHAN ANG POSISYON BILANG BISE PRESIDENTE KUNG MACONVICT SI VP SARA DUTERTE

Loading

IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat gayahin ng lahat ng senator judges ang naging pahayag ni Impeachment Court Presiding Officer na hindi tatanggapin ang posisyon bilang vice president oras na mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte
 
Sinabi ni Cayetano na ito ay upang maiwasan ang conflict of interest sa impeachent proceedings.
 
Bagamat hindi anya awtomatikong disqualified ang mga senador para italagang VP pero tama ang posisyn ni Escudero sa usaping ito para maiwasan na magmukhang may personal political gain ang pag convict sa pangalawang pangulo
 
Una rito sinabi ni Escudero na isyu ng conflict of interest ang dahilan bakit hindi niya tatanggpin ang pagiging vice president dahil mga senador ang huhusga sa impeachment case laban kay VP Sara
 
Kasabay nito, nanawagan si Cayetano para sa political neutrality sa lahat ng senator judges sa impeachmet trial.
 
Mahalaga anya na walang incentive at sa halip ay ebidensya lang ang pagbasehan sa pag convinct o pag-acquit sa pangalawang pangulo.

About The Author