dzme1530.ph

DATING US PRESIDENT BARACK OBAMA, BINANATAN ANG TRUMP ADMINISTRATION SA KAMPANYA NG DEMOCRATS BAGO ANG MIDTERM ELECTIONS

Loading

Tinuligsa ni dating US President Barack Obama ang Trump administration kaugnay sa Iran war at mataas na consumer prices sa kampanya ng Democrats bago ang US midterm elections.

Sa harap ng publiko sa Ohio, sinabi ni Obama na ang darating na eleksyon ang kanilang “last best chance” para kahit paano ay mapigilan o makontrol ang ilan sa mga kamangmangan ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, ipinagmalaki naman ni US President Donald Trump ang immigration at tariff policies ng kanyang administrasyon sa campaign rally sa Georgia, at sila aniya ay nasa “Golden Age of America.”

Sa midterm elections sa Nov. 3, pagpapasyahan kung aling partido ang kokontrol sa Kongreso sa natitirang bahagi ng termino ni Trump, at kung gaano kadali para sa US president na isakatuparan ang kanyang mga plano.

About The Author