![]()
Inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin na handa ang Kremlin na ituloy ang trilateral Russia-US-Ukraine peace talks pagkatapos ng kalagitnaan ng Nobyembre.
Batay ito sa request ni US Special Envoy Steve Witkoff na nakipagpulong kay Putin sa loob ng tatlong oras.
Ang meeting sa St. Petersburg ay kasunod ng produktibong pakikipag-usap ni Witkoff kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Norway.
Ayon sa aide ni Putin na si Yury Ushakov, nais talakayin ng Kremlin ang pagbuo ng “security framework” para sa Russia at Ukraine kapag nagwakas ang sigalot.
Gayunman, hindi ito nagbigay ng ibang detalye kung ano ang magiging demand ng Russia bilang bahagi ng framework.
