dzme1530.ph

POLITIKO MULA SA MINDANAO, NAGPONDO PARA SA EROPLANONG GAGAMITIN SANA SA PAG-SMUGGLE NG 3.5 BILLION PESOS NA SHABU MULA SA LAOS, AYON SA PDEA

Loading

Isang politiko mula sa Mindanao ang umano’y nagpondo para sa private plane na gagamitin sana sa pag-smuggle ng ₱3.5 billion na halaga ng iligal na droga mula Laos patungo sa Pilipinas, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Hindi pinangalanan ni PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut ang politiko, subalit sinabi niya na ang personalidad ay salungat sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ongoing pa rin aniya ang imbestigasyon at case buildup, at posibleng sampahan ng kaso ang naturang politiko pati na ang mga kasabwat nito.

Kamakailan ay kinumpiska ng Lao authorities ang 521 kilograms ng hinihinalang shabu sa isang private plane na patungong Pilipinas, sa Luang Prabang International Airport.

Dalawang Pilipino ang naaresto, kabilang ang isa na kinilalang si alyas “Fahad,” na umano’y naka-base sa Marawi.

Una nang inihayag ng Civil Aviation of the Philippines (CAAP) na nakarehistro ang chartered plane sa Amerika.

About The Author