dzme1530.ph

SOPHIA NG KATSEYE, MAGPAPATULOY SA GROUP ACTIVITIES SA JANUARY 2027

Loading

Ipagpapatuloy ni Sophia Laforteza ang group activities sa KATSEYE sa unang linggo ng Enero sa susunod na taon.
 
Sa Weverse, inanunsyo ng HYBE at Geffen Records na prayoridad ni Sophia ang kanyang kalusugan at kapakanan, nang may buong suporta at resources ng management.
 
Sa announcement, sinabi ng management na bagaman hindi makikilahok si Sophia sa “The WildWorld Tour” sa North America o promotional activities para sa natitirang bahagi ng taon, umaasa silang magbabalik ito kasama ang buong grupo sa susunod na chapter sa 2027.
 
Pinasalamatan din ng management ang fans sa kanilang patuloy na pagmamahal, suporta at pang-unawa kay Sophia at sa KATSEYE.
 
Inanunsyo ang hiatus ni Sophia noong Aug. 7.
 
Nakilala ang KATSEYE sa kanilang mga kantang “Gabriela,” “Gnarly,” “Gameboy,” “Touch” at “Debut.”

About The Author