![]()
Nagtamo ng 63-point loss ang Gilas Pilipinas Girls laban sa China, 112-49, sa FIBA U18 Women’s Asia Cup Qualification to the Semifinals sa Malaysia.
Simula umpisa ay na-dominate na ng China ang laro, 50-29 lead sa first half bago nalimitahan ng tig-sampung points sa third at fourth quarters ang Gilas, habang umiskor ang China ng hindi bababa sa tig-30 points sa dalawang quarters.
Pinangunahan ni Grace Marina Curley ang Pilipinas sa kanyang 17 points, five boards, three steals at isang assist, habang nag-ambag si Scarlett Mercado ng seven points.
Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang Chinese Taipei para sa fifth place.
