![]()
Inihayag ng Saudi Civil Defense Agency na isang kindergarten at medical complex sa Riyadh ang napinsala ng debris mula sa isang missile interception.
Kasunod ito ng anunsyo ng Houthis ng Yemen tungkol sa mga pag-atake na target ang airport sa kabisera ng Saudi.
Sinabi ng dalawang testigo na isang eroplano sa airport na pag-aari ng national flag carrier na Saudia ang nagtamo ng mga bitak at butas sa fuselage.
Ayon naman sa isang source, tatlong eroplano ang napinsala sa naturang pag-atake.
Pinangungunahan ng Saudi Arabia ang pro-government coalition na nakikipaglaban sa Houthis sa civil war sa Yemen.
