![]()
Bumagsak ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa negative 11 points, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa Sept. 21-27 survey ng SWS na nilahukan ng 1,500 adult respondents, 35% ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Pangulo habang 46% ang hindi kuntento at 20% ang undecided.
Dahil dito, bumulusok pa sa -11 o “poor” ang net satisfaction score ni Marcos mula sa -7 o “neutral” rating na nakuha nito noong Hunyo.
Gayunman, nananatili itong mas mataas kumpara sa -15 na net satisfaction rating ng Pangulo na naitala noong March 2026.
