dzme1530.ph

DATING PANGULONG DUTERTE, FIT TO STAND TRIAL, AYON SA ICC TRIAL CHAMBER

Loading

Napatunayan ng International Criminal Court (ICC) Chamber III na fit to stand trial si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at may kakayahang gamitin nang epektibo ang kanyang mga karapatan sa patas na paglilitis.
 
Sa desisyon na may petsang Sept. 28 subalit isinapubliko lamang kahapon, Oct. 8, nakasaad na kuntento ang Trial Chamber III sa sufficiently conclusive ang expert panel’s report para matukoy ang abilidad ng akusado na mag-participate sa trial proceedings.
 
Ipinag-utos din ng Trial Chamber III ang mga hakbang para sa pag-facilitate ng partisipasyon ni Duterte sa paglilitis na itinakdang buksan sa Nov. 30.
 
Inatasan ng Trial Chamber III ang ICC Registry na gumawa ng “necessary arrangements” para sa trial.

About The Author