![]()
Inilarawan ni NBI Director Melvin Matibag bilang misleading ang sagot ng abogado ni Vice President Sara Duterte sa kanilang imbitasyon sa pagsisiyasat sa mga alegasyon ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.
Sinabi ni Matibag na kinuwestyon ng abogado ng Bise Presidente kung bakit hindi nakasama sa imbitasyon ng NBI ang kopya ng affidavit ni Gracioso.
Nilinaw ni Matibag na hindi naman nila sinabi sa imbitasyon na naka-attach ang affidavit.
Ipinaliwanag ng opisyal na standard practice para sa NBI na magbigay ng mga dokumento at ebidensya na may kinalaman sa imbestigasyon sa sandaling humarap na sa kanila ang taong iniimbitahan.
Iginiit ni Matibag na dapat humarap ang Bise Presidente sa NBI conference kung saan siya maaaring humingi ng mga dokumento kaugnay sa alegasyon.
