![]()
Inatake ng Russian drones ang mga pangunahing tulay sa Kyiv sa loob ng apat na sunod na araw, habang pinaiigting ng Moscow ang kanilang pag-atake sa mahahalagang imprastraktura sa kabisera ng Ukraine.
Dalawa katao ang nasugatan nang pasabugan ang Northern Bridge sa Ukraine, Linggo ng umaga, sa ikalawang sunod na araw ng pag-atake habang nauna nang ilang ulit na inatake ang Southern Bridge.
Ang pinakabagong pag-atake ay kasunod ng surprise visit ni German Chancellor Friedrich Merz sa Kyiv, upang ipakita ang suporta laban sa nagpapatuloy na full-scale invasion ng Russia.
Nagbabala ang Russian military na paiigtingin pa nila ang pag-atake sa Kyiv at iba pang Ukrainian regions, matapos targetin ang dalawang tulay na ginagamit sa pag-transfer ng Ukrainian troops.
