![]()
Nasungkit ni John Cabang Tolentino ang unang athletics medal para sa Pilipinas.
Wagi ang Pinoy hurdler ng bronze medal sa men’s 110-meter hurdles finals ng nagpapatuloy na 2026 Asian Games sa Japan.
Naitala ni Tolentino ang 13.48 seconds para magtapos sa ikatlong pwesto sa 8-man field.
Nanguna sa karera si Chen Yuanjiang ng China na may 13.15 seconds, sumunod ang pambato ng Japan na si Rachid Muratake na may 13.29 seconds.
Ang bronze finish ng bente singko anyos na si Tolentino ang kumumpleto sa kanyang redemption tour matapos pumang-apat sa kaparehong event sa nagdaang Asian Games edition sa Hangzhou, China.
