dzme1530.ph

REGINE VELASQUEZ, INAMIN ANG PINAGDADAANANG ‘MENOPAUSE VOICE’ BAGO ANG ‘FINALE’ CONCERT

Loading

Inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sinasanay na niya ang sarili sa singing voice na nagbago na at hindi na kagaya dati.

Sa press conference para sa kanyang nalalapit na “Finale” concert, isiniwalat ni Regine na nagtungo siya sa Singapore para ipasuri ang kanyang boses.

Sinabi ng singer na bagaman walang problema na na-detect sa kanyang vocal cords, nakaranas siya ng inilarawan niya bilang “menopause voice.”

Aniya, napakalinis nga ng kanyang vocal cords, walang polyp o bukol, subalit parang nagka-crack ang kanyang boses at hindi niya ito makontrol.

Inihayag din ni Regine na naging emosyonal siya ng makita niya ang poster ng kanyang “Finale” concert, at itinago niya ito sa kanyang mister na si Ogie Alcasid dahil nahihiya siya.

Idinagdag ng award-winning singer na mas emosyonal siya ngayon dahil nagme-menopause na siya.

About The Author