dzme1530.ph

SEN. PADILLA, HINDI NATATAKOT NA MAKULONG DAHIL SA OBSTRUCTION OF JUSTICE

Loading

Hindi natatakot si Senador Robin Padilla sa posibilidad na makulong siya dahil sa obstruction of justice bunsod ng pagkakasangkot niya sa pagtakas ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa Senado.

Sinabi ni Padilla na ang imprisonment ay magiging oportunidad sa kanya upang mas mapalapit pa kay Allah.

Tiniyak ng senador na tatanggapin niya anuman ang magiging desisyon sa kanyang kaso.

Sa kulungan anya, mas maraming pagkakataon sa pagdarasal at religious reflection.

Nanindigan si Padilla na wala siyang naging pagkakamali nang isabay si Dela Rosa palabas ng Senado matapos maglabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court laban sa kanya.

About The Author