![]()
Umarangkada na ngayong Lunes ang taas-pasahe sa Public Utility Vehicles.
Orihinal na in-schedule ang fare hike noong Marso subalit ipinagpaliban ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng kaguluhan sa Middle East at concerns sa oil price crisis.
Sa ilalim ng bagong rates na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), itinaas sa ₱14 mula sa ₱13 ang minimum na pasahe sa traditional jeepney para sa unang apat na kilometro.
Dalawang piso naman ang dagdag na pasahe sa bawat susunod na kilometro.
Para naman sa modern Public Utility Jeepneys, itinaas sa ₱17 ang minimum fare, na may additional na ₱2.40 para sa bawat susunod na kilometro.
