dzme1530.ph

RESUPPLY MISSION NG PILIPINAS SA AYUNGIN SHOAL, PINIGILAN NG MGA BARKO NG CHINA

Loading

Iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na pinanghimasukan ng Chinese vessels ang Rotation and Resupply (RORE) mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
 
Sinabi ng task force na pinigilan ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang delivery ng essential supplies para sa Filipino crew na lulan ng BRP Sierra Madre.
 
Inihayag ng NTF-WPS sa naturang hakbang ay inilagay ng China sa panganib ang Filipino personnel at pinigilan ang lehitimong humanitarian and sustainment operation.
 
Idinagdag ng task force na ang mga hakbang ng mga barko ng Tsina ay taliwas sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 Arbitral Award.

About The Author