![]()
Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng absolute pardon ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso na labinlimang taong nanatili sa death row sa Indonesia bago pinauwi sa Pilipinas noong 2024.
Sa chance interview sa Guiuan, Eastern Samar, sinabi ng Pangulo na pinirmahan niya kahapon ang pardon para kay Veloso.
Ang absolute pardon o ganap na kapatawaran ay nangangahulugang ibinabalik sa isang indibidwal ang kanyang “civil and political rights” at nag-aalis sa mga natitirang parusa nang walang anumang kondisyon.
Inaresto at sinentensyahan ng kamatayan si Veloso noong 2010 matapos madiskubre ang itinago sa kanyang maleta na 2.6 kilos ng heroin.
