![]()
Naniniwala si Asian Games gold medalist Carlos Yulo na nasa exciting part na ng career nito ang kanyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew.
Sinabi ni Caloy na alam niyang disappointed si Karl Eldrew subalit nasa stage ito ngayon na mararanasan ang ganitong mga bagay, at hindi ito maiiwasan ng mga atleta.
Aniya, bahagi ng proseso ng tagumpay ay ma-challenge, matalo, magkamali, matuto, at bumangon.
Idinagdag ng nakatatandang Yulo na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mas batang kapatid dahil mararating din nito kung saan ito dapat mapunta.
Nagwagi ng gold medal si Caloy habang ang disi otso anyos na si Karl Eldrew ay nagtapos sa 7th place mula sa walong competitors sa 2026 Asian Games men’s floor exercise final.
