dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION PANEL, TIWALANG HINDI PA BOTO PARA SA CONVICTION O ACQUITTAL KAY VP SARA DUTERTE ANG BOTOHAN SA ISYU NG VOTING THRESHOLD NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Naniniwala si House Lead Prosecutor Gerville Luistro na hindi pa maituturing na boto para sa conviction o acquittal ni Vice President Sara Duterte ang naging botohan ng mga senator-judges sa usapin kaugnay sa voting threshold.

Sinabi ni Luistro na tiwala siyang ang magiging hatol ng mga senator-judges ay nakabatay sa mga ebidensya at testimonya ng mga testigo.

Ipinaliwanag ng kongresista na hindi pa natatapos ang prosekusyon sa paglalahad ng mga ebidensya at masusundan pa ito ng paglalatag ng argumento ng dipensa.

Aniya, inaasahan nilang susuriin ng senator-judges ang kumpletong record bago magpasya sa kanilang magiging hatol.

Maging si House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ay nagsabi na maaari pang magbago ang partisipasyon ng mga senator-judges depende sa usaping nakahain sa korte.

About The Author