![]()
Apat na sibilyan ang nasawi sa panibagong bugso ng airstrikes sa Afghanistan, sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng magkabilang panig, ayon sa Taliban.
Tinarget ng pag-atake ang mga lalawigan, kabilang ang Kandahar, na sentro ng kapangyarihan ng Taliban.
Sinabi ng Pakistan na inatake ng kanilang pwersa ang sampung targets sa Afghanistan, subalit hindi nila tinukoy ang mga eksaktong lokasyon.
Limitado lamang din umano ang kanilang pag-atake sa “identified military objectives.”
Ito ang ikalawang bugso ng Pakistani air strikes sa Afghan territory sa nakalipas na linggo, kasunod ng pag-atake sa isang police facility sa Pakistan noong Sept. 18.
