dzme1530.ph

PILIPINAS, TUMANGGAP NG ADDITIONAL SUGAR EXPORT QUOTA MULA SA US

Loading

Tumanggap ang Pilipinas ng additional na 9,151 metric ton raw value (MTRV) para sa export ng raw cane sugar sa Amerika, ayon sa Office of the US Trade Representative (USTR).
 
Sa latest notice, sinabi ng USTR na in-allocate nila ang natitirang 55,993 MTRV ng raw sugar volume sa 28 countries, kabilang ang Pilipinas.
 
Binigyan ng US agency ang bansa ng raw sugar export quota na 145,235 MTRV noong July, kaya umakyat ang total exports quota ng Pilipinas sa 154,386 MTRV.
 
Ang additional sugar allocation sa bansa ay ikalawa sa pinakamalaking quota na inisyu ng USTR, kasunod ng Dominican Republic na binigyan ng 11,931 MTRV. 
 

About The Author