![]()
HINAMON ni Senador Kiko Pangilinan ang Department of Justice at National Bureau of Investigation na patunayang hindi untouchables ang mga bilyonaryong sangkot sa agricultural smuggling sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga ito.
Sa pagtalakay sa panuakalang 2027 budget, kinuwestyon ni Pangilinan ang palagian na lamang pagkakabasura ng mga reklamo laban sa mga smugglers ng agricultural products.
Binanggit ni Pangilinan na taun-taon ay bilyun-bilyong piso ang halaga ng naipupuslit na produkto at naibebenta sa merkado nang walang buwis at hindi nasusuri kung ligtas.
Sa datos, ayon kay Pangilinan, naibasura ang 90 sa mahigit 100 na agricultural smuggling complaints dahil hindi nagsumite ang Bureau of Customs ng certified true copies ng mga dokumento.
May impormasyon din ukol sa underevaluation o pagpapababa ng tantya sa halaga ng mga nasasabat.
Inamin naman ni Justice Secretary Fredderick Vida na wala pa kahit isang nakakasuhan at napapakulong dahil sa agricultural smuggling.
Sa ngayon anya ay minamandato niya ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na magsumite muli ng mga dokumento at magsulong ng mga kaso.
Ipinaalala nya na may babala na ang Ombudsman na mahaharap sa deriliction of duty ang mga hindi susunod na opisyal.
