![]()
UMAABOT sa P2.75 trillion ang nawala sa bansa bunsod ng katiwalian at inflation sa loob ng isang taon o mula 2025 hanggang 2026.
Sa pagdinig ng Ad Hoc Committee on Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth or RISE na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros, kinumpirmang isang taon nang humihina ang ekonomiya ng bansa mula sa 3.9 percent noong 3rd quarter ay bumagal pa ito sa 2.3 percent ngayon.
Ang trabaho aniya nila ngayon sa kumite ay tiyaking ang mga Pilipino ay hindi babagsak sa kahirapan sa tuwing may krisis na tatama sa bansa.
Sinabi naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na kasama na sa P2.75 trillion na halagang nawala sa bansa ang pagkalugi sa ekonomiya gayundin ang mga nawalang oportunidad.
Idinagdag pa ni Gatchalian na ngayon ay dumaranas ang bansa ng pinakamabagal na pag-usad ng ekonomiya mula noong 2017, hindi kasama rito ang mga taong may pandemya.
Tinukoy din ng senador na pangalawa ang Pilipinas sa mga nahuhuli pagdating sa economic growth sa mga bansang kasapi ng ASEAN at ito ay dahil sa matinding katiwalian at epekto ng giyera sa Iran.
