dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, SUPORTADO ANG SUSPENSION NG PROPERTY TAX HIKE

Loading

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon sa property tax hike kasunod ng hiling ng Private Sector Advisory Council (PSAC).

Ayon kay Private Sector Advisory Council (PSAC). nakipagpulong si Pangulong Marcos sa PSAC Infrastructure Sector Group – Real Estate upang talakayin ang isyu sa property tax.

Aniya, nais ng PSAC na magkaroon muna ng suspensyon sa pagtaas ng property tax dahil sa nararanasang krisis.

Parang hindi umano napapanahon na dagdagan pa ang pasanin ng property owners at makabigat pa sa kanilang bulsa.

Idinagdag ni Castro na may ginagawa na ang Department of Finance (DOF), subalit hindi nito tinukoy ang eksaktong hakbang ng ahensya.

About The Author