![]()
Tiniyak ni President Masoud Pezeshkian na hindi kailanman luluhod ang Iran matapos ang halos pitong buwang pakikipaglaban sa US at Israel.
Gayunman, handa aniya ang Iran para sa diplomatikong solusyon sa nagpapatuloy pa ring kaguluhan.
Bilang tugon sa banta ni US President Donald Trump na pupuksain ang Islamic Republic kapag walang nangyaring kasunduan sa lalong madaling panahon, sinabi ni Pezeshkian na mas lalo lamang papalag ang Iranian people sa harap ng sanctions, tumitinding pressure at bullying.
Iginiit din ng Iranian President na dapat isama sa anumang deal ang pagtatapos ng US blockade na pumipigil sa Iranian ships mula sa paggamit ng Strait of Hormuz.
Idinagdag ni Pezeshkian na hindi naman maaari na lahat ay nakikinabang sa naturang Strait pero walang access dito ang Iran.
