![]()
Kinuwestyon ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang legalidad ng desisyon ng Senate Impeachment Court na ibatay sa two-thirds votes ng mga senador na “capable” na lumahok sa impeachment trial, ang threshold para ma-convict ang kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Sa botong 13-6-1, isinandabi ng Senate Impeachment Court ang naunang ruling na 16 ang kailangang boto para sa guilty verdict kay VP Sara.
Iginiit ng kongresista na alinsunod sa Konstitusyon, ang conviction ay nangangailangan ng concurrence ng two-thirds ng “lahat” ng miyembro ng Senado.
Sa manifestation ni Atty. Sheila Sison, lead defense counsel ni VP Sara, sa harap ng Impeachment Court, sinabi niya na gagamitin ng kanyang kliyente ang lahat ng legal remedies kasunod ng ruling ng senator-judges.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Senado ang may tanging kapangyarihan na magsagawa ng mga pagdinig at magdesisyon sa lahat ng impeachment cases.
