dzme1530.ph

11 KATAO, PATAY SA PAGSALAKAY NG ARMADONG KALALAKIHAN SA HOUSE PARTY SA SOUTH AFRICA

Loading

Labing isa katao ang nasawi, kabilang ang isang babae na pinaniniwalaang buntis, nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang isang bahay sa Durban City sa South Africa.
 
Ayon sa pulisya, sinalakay ng tatlong gunmen ang bahay sa Ziko area, sa KwaMaKhuTha saka pinagbabaril ang grupong nagkakasiyahan.
 
Sampung katao ang dead on the spot habang isa ang binawian ng buhay sa ospital.
 
Tatlong iba pa ang nasugatan sa naturang pag-atake na patuloy pang inaalam kung ano ang motibo.

About The Author