dzme1530.ph

PHILSA, NAGBABALA SA POSIBLENG PAGBAGSAK NG CHINESE ROCKET DEBRIS SA KARAGATAN NG PILIPINAS

Loading

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng China ng Long March 8A rocket, kasabay ng babala na maaaring bumagsak ang debris sa designated drop zones sa karagatan ng Pilipinas.
 
Hinikayat ng PhilSA ang publiko na i-report ang hinihinalang rocket debris sa mga lokal na awtoridad at huwag kunin o lapitan ang materyal na posibleng nagtataglay ng mga natirang toxic rocket fuel.
 
Inilunsad ang rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, 9:33 kagabi.
 
Sinabi ng ahensya na inilabas ang detalye ng rocket drop zone sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM) warning ng aerospace flight activity.
 
Inaasahang babagsak ang debris sa unang drop zone, 97 nautical miles mula Panatag Island, 144 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc, 190 nautical miles mula sa El Nido, Palawan, at 198 nautical miles mula sa Busuanga, Palawan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
 
Ang ikalawang drop zone ay sa loob pa rin ng Philippine archipelagic waters o 46 nautical miles mula sa Puerto Princesa, 24 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park, 105 nautical miles mula sa Pangutaran, Sulu at 117 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.

About The Author