dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION TEAM, WALANG BABAGUHIN SA KANILANG STRATEGY KAHIT NABAGO ANG VOTING THRESHOLD

Loading

Walang mababago sa estratehiya ng House prosecution team kahit nabago na ang desisyon ng Impeachment Court hinggil sa threshold.

Ayon kay House Prosecutor Chel Diokno ng Akbayan Party-list, patuloy sila sa pagpresinta ng matitibay na ebidensya dahil ito ang kanilang tungkulin bilang mga taga-usig.

Nabago man o hindi ang threshold, tiwala si Diokno na kaya nilang makuha ang “two-third” votes para masiguro ang conviction ng Bise Presidente.

Sinabi rin ni House impeachment adviser Robert Ace Barbers na hindi sila umaasa sa numero dahil tiyak sila na matitibay at hindi puwedeng pasubalian kahit na ng mga senator-judges ang bigat ng mga ebidensya at testimonya ng kanilang mga testigo.

About The Author