![]()
Naibigay ni Jean Claude Saclag ang kauna-unahang silver medal sa Pilipinas sa 20th Asian Games matapos kapusin kay Otabek Rajabov ng Tajikistan, 0-3, sa Mixed Martial Arts Men’s Traditional 65kg Final sa Nagoya City Inae Sports Center sa Japan.
Aminado si Saclag na nakakahiya dahil gusto talaga niyang manalo ng gintong medalya.
Sinabi ng Pinoy mixed martial artist na malungkot siya hindi lang dahil natalo siya, kundi dahil sa kanyang performance.
Inaasahan kasi niya na nag-improve na siya subalit nagulat siya sa higpit ng laban sa ground at hindi siya binigyan ng pagkakataon ng kalaban na makaisa.
Bago sumabak sa finals ay nanalo ang 31-anyos na tubong Kalinga, sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Daisuke Murayama ng Japan sa semifinals.
