dzme1530.ph

NCRPO, NAGDEPLOY NG KARAGDAGANG 73 POLICE MOTORCYCLES PARA TUMUGON S EMERGENCY CALLS SA HOTLINE 911

Loading

Nag-deploy ang National Capital Region Police Office o NCRPO ng karagdagang 73 police motorcycles sa paligid ng Metro Manila upang tumugon sa emergency calls sa pamamagitan ng 911 hotline.

Ayon sa NCRPO, layun ng deployment na tulungan ang mga police responders na mabilis na makarating sa mga emergency situation sa kabila ng heavy traffic at congested roads.

Sinabi ni NCRPO Officer in Charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano na mahalaga ang bawat minuto sa panahon ng emergency.

Ang karagdagang motorcycles anya ay magbibigay ng mas malawak na mobility sa mga responders.

Sinabi ni Abrahano na nais nilang maging mabilis, coordinated at reliable ang pagresponde sa bawat tawag sa 911.

Inatasan ni Abrahano ang mga police commanders na iposisyon ang mga motorcycle responders sa mga strategic areas upang mas mabilis na makatugon sa emergency calls.

About The Author