dzme1530.ph

DEFENSE PANEL NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, NANINDIGANG DAPAT MANATILI SA 16 ANG VOTING THRESHOLD, ALINSUNOD SA KONSTITUSYON

Loading

Nanindigan ang defense panel ni Vice President Sara Duterte na dapat manatili sa 16 ang voting threshold para sa conviction sa impeachment case.

Sinabi ni Atty. Michael Poa, kung malinaw ang batas, wala nang espasyo pa para sa interpretasyon at sa halip ay kailangan na lamang ng aplikasyon.

Binanggit ni Poa na walang nag-object nang ilabas ni Presiding Officer Francis Chiz Escudero noong July 6 na dapat ay 16 ang boto para ma-convict ang Bise Presidente.

Ang posible anya pagbabago ng ruling ay maaaring magbukas din ng mga kwestyon sa iba pang mga naunang rulings.

Binanggit ni Poa ang ruling sa pagpapa-subpoena sa mga bank records at ang iba pang ruling ng Presiding Officer sa iba’t ibang mga isyu sa impeachment trial.

Ibinabala pa ni Poa na ang pagpapababa ng threshold ay magiging dahilan ng pagkwestyon din sa due process sa respondent.

About The Author