![]()
Nagbabala ang House prosecution panel na posibleng mauwi sa acquittal by default ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung isasama sa batayan ng pagboto ang mga absent na senador.
Sa oral arguments sa Impeachment Court, inilatag ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang kanilang argumento sa usapin ng voting threshold.
Sinabi ni Diokno na ang two-thirds vote ay dapat na ibatay lamang sa mga miyembro ng Senado na present sa mga pagdinig.
Kaya naman hindi anya dapat ipako sa 16 ang kinakailangang boto.
Ang oral arguments ay nag-ugat sa motion for reconsideration ni Senator-Judge Erwin Tulfo laban sa ruling ni Presiding Officer Francis Chiz Escudero na 16 ang kinakailangang boto para sa conviction sa impeachment.
Ito ay batay sa nakasaad sa Konstitusyon na ang conviction ay dapat mula sa pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.
