![]()
Aprubado na sa Kamara ang panukalang 975.96 billion peso budget ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Sinabi ni Appropriations Committee Vice Chairperson Maria Carmen Zamora na ang 975.96-B allocation para sa DepEd ay kumakatawan sa 13.55% ng proposed 2027 national budget.
Kabilang sa major items ng proposed budget ng DepEd ay ang School-Based Feeding Program (SBFP), government assistance and subsidies, at teacher promotions.
Nananatili ang Education Department bilang largest beneficiary sa proposed 2027 budget, ayon sa Department of Budget and Management.
Ngayong 2026, ang DepEd ay may 1.015 trillion pesos budget, ang pinakamalaking alokasyon sa kasaysayan ng ahensya.
